
Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko hinggil sa mga pekeng indibidwal na nanghihikayat para maging maging miyembro sa PCG auxiliary group.
Nilinaw ng PCG na tanging mga awtorisadong unit at opisyal na communication platforms lamang ang pinanggagalingan ng lehitimong recruitment para sa kanilang auxiliary group at hindi isinasagawa sa mga hindi opisyal na paraan.
Binigyang-diin ng PCG na walang bayad ang lahat ng recruitment at hindi ito isinasagawa sa pamamagitan ng social media groups, third-party websites, o hindi opisyal na messaging applications.
Pinayuhan ng PCG ang publiko na agad iulat sa Deputy Chief of Coast Guard Staff for Civil Relations Service ang anumang kahina-hinalang aktibidad kaugnay ng recruitment.
Bukod dito, pinapayuhan rin ng PCG ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga nag-aalok na ginagamit ang pangalan ng mga opisyal ng coast guard.









