
Nagbabala ang Embahada ng Amerika sa Pilipinas hinggil sa mga kumakalat na panloloko upang makakuha ng pera sa mga visa applicant.
Sa statement ng US Embassy sa Maynila, sinabi nitong wala silang anumang transaksyon sa mga social media o e-mail para mabilis na maaprubahan ang isang visa application.
Sa nakuhang impormasyon ng naturang embahada, nag-aalok umano ang mga scammer ng mabilis na approval ng US visa kapalit ng malaking halaga.
Paalala ng US Embassy, tanging sa mga official e-mail address lamang sila nagsasagawa ng communication sa mga aplikante at dito rin ipinadadala kung aprubado o denied ang isang visa application.
Hindi raw kailanman hiningi ng US Embassy na magsagawa ng transaction sa mga e-mail, social media platforms o kaya ay tawag sa telepono.
Ang pagbabayad naman ay ginagawa sa pamamagitan ng portal at sa pamamagitan ng Rizal Commercial Banking Corp (RCBC).