Publiko, binalaan ni Mayor Isko Moreno sa mga pangako ng ibang politiko

Nagbabala ngayon si Mayor Francisco “Isko” Moreno sa publiko hinggil sa mga binibitawang pangako ng ibang kumakandidato na imposible naman mangyari.

Ang pahayag ng alkalde ay kasunod ng pagbisita nito sa CMA Market sa Antipolo City.

Ito’y sa harap ng halos 2,000 indibidwal na nagtitinda sa nasabing palengke kasama ang mga miyembro sa transport sector nito.


Inihalimbawa ni Mayor Isko ang pangako ng isang kumakandidato na ibaba muli sa P12.00 ang kilo ng bigas na aniya ay imposible at malabong mangyari.

Giit ng alkalde na huwag paniwalaan ang mga ganitong uri ng pangako na malinaw na isang panloloko lamang para makuha nag boto ng publiko.

Sinabi pa ni Mayor Isko na isa sa mga dahilan kung bakit siya nagpasiyang kumandidato sa pagka-pangulo ay upang mabago ang sistema ng pamamahala sa gobyerno na halos 60 taon ng pinamumunuan ng mga politikong elitista.

Dagdag pa ni Yorme, nararapat lamang na pataasin ang antas ng pamumuhay ng bawat mahihirap na Pilipino kung saan dapat itong matulungan at hindi lamang idaan sa mga pangako.

Facebook Comments