Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Marketing Director Jomarie Sy ang publiko na i-scan o xerox ang mga tseke o deposit slip at withdrawal slip nila kung sila ay magbabangko upang maiwasan na mabiktima ng White Collar Crime ng isang kilalang bangko.
Ang babala ay ginawa ni Sy matapos mismo siya ay nabiktima ng naturang scam na humigit kumulang 20 milyong piso ang natangay sa kanya ng isang kilalang bangko.
Ayon kay Sy nagsimula siyang nagdeposit sa isang kilalang bangko noong 1985 at natuklasan niyang na scam na siya noong 2013 kung saan ay dahan-dahan nilang kinukuha ang ang deposit ng kanilang kliyente.
Paliwanag si Sy nagkamali ang bangko dahil lahat ng mga transaksyon na kanyang ginawa ay mayroon siyang kopya na orihinal at xerox copy kayat walang lusot ang kilalang bangko.
DZXL558