Publiko, dapat alam ang mga pangunahing sanhi ng sunog – BFP

Nanawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lahat ng Pilipino na maging maalam sa mga pangunahing sanhi ng sunog sa bansa.

Ayon kay bfp spokesperson Geranndie Agonos – ang overloading ng electrical wires ang kadalasang dahilan ng sunog.

Ang ikalawang pangunahing dahilan ng sunog ay upos ng sigarilyo na itinatapos kung saan-saan.


Bukod dito, madalas ding pinagmumulan ng sunog ang napabayaang kandila, at nakabukas na stove.

Sa datos ng BFP, ngayong Disyembre ay nakapagtala sila ng nasa pitong fire incidents sa bansa.

Facebook Comments