Publiko, dapat ihanda sa tama at ligtas na evacuation sa harap ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month — VP Sara

Nagbabala si Vice President Sara Duterte sa posibleng mas malalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon.

Ito aniya ay bunga ng epekto ng climate change.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, sinabi ni VP Sara na dapat ihanda ang publiko sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa tama at ligtas na paglikas o evacuation.

Sinabi ni VP Sara na dapat ding ipagpatuloy ang pagtatanim ng mga puno at hinimok niya ang publiko na maghanda ng emergency kit at lumahok sa earthquake drills.

Mainam din aniyang alamin ang pinakamalapit na evacuation center.

Taun-taon, pinangangambahan ang pagtama ng mahigit 20 bagyo sa bansa.

Facebook Comments