Publiko, dapat isama sa kanilang dasal si Pangulong Duterte

110

Manila, Philippines – Umapela si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa publiko na ipagdasal ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Andanar matapos ang pagbabanta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kay Pangulong Duterte sa kanilang paglusob sa Pigcawayan North Cotabato.
Ayon kay Andanar, kailangan ng Pangulo ng tulong at suporta pra maihatid ang tunay na pagbabago sa bansa.
Ibinida naman ni Andanar na sa loob ng isang taon sa panunungkulan ay marami nang naipatupad na reporma si Panglong Duterte sa pamahalaan at dahil dito ay siguradong maraming lalabas na kalaban kaya kailangan ng Pangulo ang buong suporta ng mamamayan.
Matatandaan na sinabi ni Martial Law Spokesman for Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines Brigadier General Gilbert Gapay na ginagawa naman ng Presidential Security Group ang kanilang mandato na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments