Publiko, dapat isumbong ang mga hindi nagbabayad ng buwis, reward system para dito nagpapatuloy

Manila, Philippines – Hinikayat ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga kumpaniyang hindi nagbabayad na tamang buwis at hindi nag bibigay ng resibo.

Ipinaalala ni BIR Deputy Commissioner Marissa Cabreros sa briefing sa Malacanang na umiiral parin ang kanilang reward system sa harap ng pinaigting na kampanya laban sa mga tax evaders,

Nilinaw din nito na ang pabuya ay nakalaan lamang para sa mga complainants na maghahain ng pormal na salaysay sa kanilang prosecution division.


Hindi naman aniya makasasali sa reward system ang mga anonymous complaint laban sa mga tax evaders.

Kabilang naman aniya sa mga maaaring ireklamo ay ang mga tiwaling tauhan ng BIR bukod pa sa mga tax evaders.

Maaari din aniyang idaan online ang mga reklamo sa pamamagitan ng pag email sa e- complaint@bir.gov

Facebook Comments