Nasa 50-porsyento ng mga nagpapabakuna sa bansa ang hindi na nagpapaturok ng second dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Data Analyst Dr. John Wong, hinihintay nila ang pagbabalik ng 2.1 million vaccine recipients para sa kanilang second dose, pero nasa milyon lamang ang bumalik.
Wala pa siyang tiyak na dahilan kung bakit namimintis ng ilang tao ang second dose schedules.
Bukod dito, hinihikayat ni Wong ang pamahalaan na bakunahan na ang mga may edad 50-anyos pataas para mabawasan ang mga namamatay sa COVID-19.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat kumpletuhin ng mga vaccine recipients ang dalawang vaccine doses para maabot ang kinakailangang proteksyon laban sa virus.
Facebook Comments