Mahalagang mapalakas ng pamahalaan ang information campaign nito patungkol sa COVID-19 vaccines bago ito dumating sa bansa.
Layunin nitong maitatag ang tiwala ng publiko lalo na sa pagpapabakuna at para makamit ang herd immunity.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, may alinlangan pa ang mga tao sa bakuna dahil nais muna nilang malaman ang impormasyon tungkol dito.
Bagama’t sinasabi ng mga eksperto na ligtas ito, gusto ng mga taong malaman kung saan ito nanggaling, ano ang bisa nito at side effects.
Ang mga information campaigns, maging ang mga mensahe mula sa mga lider ng bansa at ng Department of Health (DOH) ay makatutulong na maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa pagpapabakuna.
Facebook Comments