Publiko, dapat mag-ingat sa paggamit ng Loan Apps

Pinag-iingat ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko sa paggamit ng Loan Applications na nada-download na sa mga mobile device.

Ito’y dahil pinapahiya ng lending company ang mga nangungutang na hindi makabayad.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, nasa halos 700 reklamo na ang kanilang natatanggap laban sa mga Loan Apps simula ngayong taon.


Kabilang sa mga unfair debt collection practices ay ang pangha-harass o pagbabanta sa isang tao, paggamit ng nakakainsulto o nakakabastos na salita laban sa mga umuutang na tao.

Pagsasapubliko ng pangalan ng mga may utang at iba pang personal information.

Pagtawag, text o email sa iba pang tao sa contact list na walang pahintulot ng borrower.

Ang mga lalabag na Financing o Lending Company ay pwedeng patawan ng multang 25,000 pesos hanggang isang Milyong piso at pagbawi ng Certificate of Authority to Operate.

Ang Securities and Exchange Commission (SEC) na nangangasiwa ng mga Financing at Lending Companies ay nakatanggap na ng nasa 1,600 na reklamo hinggil dito at iimbestigahan na nila ito.

Bukod sa SEC at NPC, ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay binabantayan ang mga nagsusulputang mga Financial Services na gumagamit na ng makabagong teknolohiya at internet.

Facebook Comments