Publiko, dapat mag-ingat sa pagsasagawa ng sariling COVID-19 test

Umapela sa publiko si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na sundin ang mga payo ng mga health expert.

Ito ay may kaugnayan sa self-swabbing issue ng ilan para mas maengganyo ang mga tao na mag-test upang masiguro kung carrier o hindi ng COVID-19.

Sinabi ni Go na mas dapat paniwalaan at sundin ang mga expert sa kalusugan dahil hindi naman tiyak kung accurate ang resulta kapag ginawa ng mga tao ang self-swabbing.


Ayon kay Go, parang niloko ng isang tao ang kanyang sarili sa pagte-test kung hindi naman accurate ang resulta na lalo pang peligroso na makahawa ng iba.

Dagdag pa ni Go na ang mga nagsasagawa ng swab test na mga kinauukulan ay dumaan sa training dahil hindi naman ito basta-basta.

Facebook Comments