Publiko, dapat maging alerto din ngayong panahon ng Semana Santa- QCPD

Hiningi na ng Quezon City Police District ang kooperasyon ng publiko para sa mapayapang Semana Santa at Summer acation.

Kasunod ito ng pagdeklara ng hightened alert status ng qcpd nitong nakalipas na linggo bilang paghahanda sa pagpasok ng Holy week.

Ayon kay Quezon City Police District Director Police Brigadier General  Joselito  Esquivel Jr , bukod sa mga uniformed at plain clothes policemen na ide- deploy sa mga  Strategic Areas lalo na sa matataong lugar.


May 3,213 Force Multipliers tulad ng mga Barangay tanods, Security Guards, mga  tauhan ng  Metro Manila Development Authority at QC Department of Public Order and Safety ang kanilang makakatuwang sa pagmamantine ng  peace and order sa Lungsod.

Hinimok ng QCPD Chief ang publiko  na ipagbigay alam agad sa pulisya ang anumang untoward incidents o kahinahinalang bagay o tao para maaksyunan agad ng mga otoridad.

Kabuuang 2, 229 pulis ang ikakalat ng qcpd sa mga   vital installations sa Lungsod lalo na sa mga terminals simbahan at mga malls.

May mga Police Assistance Desks at Tourist Police Assistance Desks ang ilalagay din sa mga lugar na ito para sa sinumang mangangailangan ng tulong.

Facebook Comments