Naniniwala ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat umanong paghandaan ng publiko ang “worst” o pinakamatinding epekto ng oil spill na sinabayan pa ng hagupit ng bagyo, habagat, at pagbaha.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr. buo na ang isang Inter-Agency Task Force kaugnay ng paglubog ng MV Terranova sa Limay, Bataan na may kargang 1.4 million liters ng langis.
Paliwanag ni Secretary Abalos na ito ay kinabibilangan ng Office of Civil Defense (OCD), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Social Welfare and Development (DWSD), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST) at iba pang national at government agencies.
Pagtitiyak ni Abalos, ang task force ay bubuo ng konkretong aksyon at magbibigay ng regular na report sa publiko kung paano mapigilan ang pagkalat ng langis at kung paano maaalis ang barko sa karagatan.