Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na manatiling nakabantay sa mga pangyayari sa kapaligiran sa harap narin ng pananalasa ng bagyong Maring sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kailangang maging handa ang lahat sa anomang posibleng mangyari sa harap narin ng pananalasa ng bagyo kung saan sinasabi ng PAGASA na tatama umano sa Metro Manila ang malakas na bahagi ng Bayo simula ngayong tanghali hanggang mamayang hapon.
Kaya naman nakiusap si Andanar sa publiko na para maging ligtas ay tumutok lamang sa PAGASA, NDRRMC, at sa radio at telebisyon lalo na sa kanilang mga local na pamahalaan para malaman kung ano ang mga nangyayari at kung ano ang dapat gawin.
Matatandaan na maagang nagkansela ng pasok sa trabaho ang Malacanang sa mga tanggapan ng Pamahalaan sa Region 3, Metro Manila at CALABARZON area.
Publiko, dapat maging handa sa harap ng pananalasa ng bagyong Maring
Facebook Comments