Pinayuhan ng Ecowaste Coalition ang publiko na maging mapanuri sa pagbili at paggamit ng kandila ngayong panahon ng Undas.
Naglabas ng babala ang Waste and Pollution Watchdog matapos makumpirma na may mga kandila na may lead cored wicks ang patuloy pa ring ipinagbibili sa merkado lalo na sa Ongpin sa Maynila.
Ayon kay Thony Dizon Chemical Safety Campaigner ng Ecowaste Coalition, matagal nang ipinagbabawal ng US Federal Government ang pagbenta ng ganitong uri ng kandila na may sangkap na kemikal na masama kapag nalanghap ang usok.
Matapos isalang sa x-ray fluorescence screening ang mga biniling lead-cored wicks candles na galing ng Taiwan nakitaan ito ng lead content ng hanggang 8,668 parts per million.
Una na ring naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration noong 2016 na mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng nasabing lead cored wicks candle.