Manila, Philippines – Umapela ngayon ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na manatiling nakabantay at mapagmasid sa kapaligiran sa kabila ng pagkakapatay ng militar sa mga lider ng terrorist group sa Marawi City na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Sa Mindanao hour sa Malacanang ay sinabi ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla na kahit napatay na ang mga lider ng terrorist group ay nagpapatuloy parin ang operasyon ng Militar sa lungsod para tuluyang maubos ang mga kalaban ng gobyerno.
Nagpasalamat din naman si Padilla sa publiko sa patuloy na pagpaabot ng pagbati sa kanilang tagumpay na ma-neutralize ang mga lider ng terrorist group at tiniyak na magpapatuloy ang AFP sa pagprotekta sa kapayapaan at mahuli pa ang mga high value targets.
Sinabi din ni Padilla maswerte parin ang pilipinas dahil hindi nangyayari dito ang mga terrorist attack na nangyari sa mga mayayamang bansa tulad ng estados unidos at ilang bansa sa Europa.
Publiko, dapat maging mapagmasid pa rin kahit napatay na ang mga lider ng terrorista sa Marawi City -AFP
Facebook Comments