Publiko, dapat magnilay ngayong undas para sa ikabubuti ng bansa

Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katoliko na magnilay ngayong ginugunita ang araw ng mga santo at kaluluwa.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na maraming aral na mapupulot ang lahat mula sa mga santo ay mga namayapang mahal sa buhay, naway pagmulan aniya ito ng inspirasyon para isulong ang kapakanan ng lahat at hindi pansarili lamang.
Mabuting magnilay din aniya ang lahat para maging gabay patungo sa positibong pagbabago sa bansa at dapat aniyang maging kasangkapan para maging mas maganda ang buhay hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo para sa susunod na henerasyon.

Facebook Comments