Publiko, dapat magsumbong agad sa mga otoridad kapag nakakita ng sibilyan na may baril

Hinikayat ni Senator Panfilo Ping Lacson ang publiko na agad isumbong sa mga otoridad ang mga sibilyan na may bitbit na baril.

 

Panawagan ito ni Lacson sa harap na patuloy na pagtaas ng insidente ng pamamaril kung saan pinakahuli ay isang pulis na namatay makaraang barili sa bahagi ng EDSA.

 

Sa obserbasyon ni Lacson, halos araw-araw ay may nabibiktima ng walang habas na pamamaril, kung saan tila wala nang kinatatakutan ang mga gumagawa.


 

Kasabay nito ay iginiit din ni Lacson ang pagrepaso sa mga umiiral na patakaran at batas sa bansa tungkol sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril sa labas ng tahanan.

 

Inihalimbawa ni Lacson ang ginawa niya noong sya ang Hepe ng pambansang pulisya na paglimita sa pag-isyu ng permit to carry firearms outside residence o PTCFOR upang masigurado na ang mga unipormadong pulis at military lamang na nasa duty ang makakapagdala ng baril sa mga pampublikong lugar.

 

Iginiit ni Lacson na kailangan nang higpitan pa ng PNP ang pag-iisyu ng PTCFOR dahil mayroon syang natanggap na impormasyom na kahit mga kriminal ay nakakakuha pa rin ng permiso sa pagdadala ng baril sa pampublikong lugar gamit ang ibang pangalan.

Facebook Comments