Publiko dapat na patuloy na sumunod sa minimum public standards ayon sa PNP

Mahigpit ang babala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na patuloy na sumunod sa umiiral na minimum public health standards sa kabila ng hindi na obligado ang pagsusuot ng face shield dahil nanatili pa rin ang pandemya

Ginawa ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang babala matapos ang nangyaring mass action sa Quezon City kung saan nakita ang aktor na si Pen Medina na hindi nagsusuot ng face mask.

Napagsabihan naman daw ang aktor at pinaaalalahang magsuot ng face mask dahil ito ay mandato ng Quezon City Local Government.


Sinabi ni PNP chief na hanggat maari ay nagiging magalang ang mga pulis sa pagsita sa mga violators at ang mahuhuli ay mahaharap sa parusa.

Tiniyak ni PNP chief na hindi titigil ang PNP sa pagmo-monitor ng mga public activities para matiyak na nasusunod ang quarantine protocols.

Facebook Comments