Publiko, dapat nang magpabakuna laban sa COVID-19 – FDA

Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na dapat magpabakuna ang publiko laban sa COVID-19 ngayong nagsusulputan ang iba’t ibang variants ng virus.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakakatulong ang mga bakuna para protektahan ang tao mula sa malalang uri ng COVID-19.

Bagama’t may nakikita silang mga pag-aaral na nababawasan ang bisa ng bakuna laban sa mga bagong variants, hindi pa rin naman tuluyang nawawala ang proteksyong naibibigay nito mula sa sakit.


Sakaling may tamaan aniya ng sakit ay hindi ito hahantong sa severe case o kaya naman ay kamatayan.

Dapat ding mapabilis ang COVID-19 vaccination para mas maraming tao ang maprotektahan ngayong banta ang Delta variant.

Facebook Comments