Publiko, dapat panatilihing magsuot ng face masks – Pangulong Duterte

63

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na manatiling sumunod sa health protocols na itinakda ng gobyerno.

Ito ang panawagan ng Pangulo matapos niyang mapansin na may ilang tao pa rin ang hindi nagsusuot ng face masks.


Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat sundin pa rin ng publiko ang health protocols lalo na at sumampa na sa higit 500,000 ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Ang pagsusuot aniya ng face masks ay nakatutulong para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang face masks ay in-demand na sa iba’t ibang bahagi ng mundo mula nang magsimula ang pandemya sa bansa noong Marso 2020.

Facebook Comments