San Fernando, La Union – “Huwag magpaka kampante”, ito ang naging pahayag ni Dr. Rhuel Bobis ng DOH Region 1 COVID 19 Focal person, matapos ang labing dalawang araw na walang naitatalang kumpirmadong kaso sa rehiyon. Aniya, magandang balita ito para sa rehiyon gayunpaman dapat na ipagpatuloy ang mga ginagawang hakbang upang hindi mahawaan ng sakit.
Binigyang diin nito na kapag naging kampante ang publiko maaring doon umatake ang COVID19. Kung kinakailangan aniya huwag pa ring lumabas ng bahay kung wala namang importanteng gagawin. Pagpapalakas ng resistensya,pagsunod sa social distancing,palagiang paghuhugas ng kamay at ang cough etiqutte ay hindi dapat kinakalimutan ngayong wala pang gamot sa COVID19.
Samantala nasa animnapu ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa rehiyon, tatlumput siyam ang gumaling at labing dalawa ang namatay sa rehiyon uno.