Hinihikayat ng Department of Health ang publiko na maging handa at sundin ang kanilang mga payo para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ito ay bagamat wala pang naitatalang kaso ng Nipah virus sa bansa.
Ang Henipavirus na karaniwang matatagpuan sa fruit bats ay kabilang sa pamilya ng virus na kinabibilangan ng Nipah at Hendra.
Ayon sa DOH, maaaring makuha ang virus sa pamamagitan ng direktang kontak sa dugo, ihi, dumi, laway, at kontaminadong pagkain o prutas.
Maaari anila itong magdulot ng nakakamamatay na komplikasyon tulad ng pamamaga sa utak at sakit sa baga.
Facebook Comments