Publiko, hindi dapat maging kampante sa gitna ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na huwag maging kampante at patuloy na sumunod ng mahigpit sa health protocols kahit bumababa na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ito ni Go sa harap ng kaliwa’t kanang mga pagtitipon ngayon tulad ng mga selebrasyon ng kapaskuhan at aktibidad ng mga politiko o kandidato na dinudumog ng kanilang mga supporters.

Naiintindihan naman ni Go ang tradisyong Pilipino hinggil sa pagtitipon ngayong Kapaskuhan at iginagalang din ang karapatan ng mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobing pulitikal.


Pero giit ni Go, ang dapat ay siguraduhin na sa lahat ng oras ay hindi nailalagay sa kapahamakan ang kaligtasan ng ating kapwa dahil mas dapat iprayoridad ang proteksyon ng buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments