Publiko, hindi pa rin dapat magpaka-kampante sa kabila ng downward trend sa COVID-19 – DOH 

Hindi pa rin dapat magpaka-kampante ang publiko kahit nagkakaroon na ng downward trend ng COVID-19 cases sa bansa. 

Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) matapos maitala ang average number of cases kada linggo ay bumaba sa 1,000 mula sa dating 1,200 cases. 

Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalagang mapanatili ng publiko ang pag-iingat at pagsunod sa minimum health standards. 


Nakalatag ang recalibrated strategies tulad ng One Hospital Command at Oplan Kalinga. 

Nagsisilbing gabay rin sa mga Local Government Unit (LGU) ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) pagdating sa active surveillance at monitoring ng mga pasyente. 

Binigyang diin din ni Vergeire na mayroong pagtaas sa bilang ng critical at severe cases ng COVD-19 na nananatili sa one percent. 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque “good work” ang pagsunod ng publiko sa health protocols pero kailangan pa ring mapababa ang positivity rate o bilang ng taong nagpopositibo sa COVID-19. 

Samantala, nakapagtala ang DOH ng 2,075 COVID-19 clusters kung saan 84.29% ay mula sa komunidad, 5.06 ay mula sa mga ospital at health facilities, 1.73% ay mula sa mga kulungan at 8.92% ay mula sa iba pang lugar. 

Ang rehiyon na may pinakamataas na clustering ay Metro Manila, Regions 4A, 7, at 3. 

Facebook Comments