Nagpaalala ang OCTA Research Group sa publiko na huwag magpakampante kahit may mga indikasyong bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nanantiling mataas ang daily case average sa NCR.
Dagdag pa ni David, ang epekto ng extended modified enhanced community quarantine sa NCR plus ay mararamdaman sa susunod na dalawang linggo.
Aniya, mayroong dalawang-linggong delay bago makita ang buong epekto ng restrictions.
Facebook Comments