PUBLIKO, HINIHIKAYAT NA ALAMIN ANG MGA NATURAL SIGNS SA BANTA NG TSUNAMI

Iminungkahi ng Office of the Civil Defense Ilocos Region ang kinakailangang mga kaalaman ng publiko ukol sa earthquake information kasunod na rin ng naitalang mga offshore tremors sa bahagi ng Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay OCD Ilocos Spokesperson Adreanne Pagsolingan, inihayag nito ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa mga Disaster Risk Reduction Management Council sa rehiyon, at mga katuwang pang ahensya upang mas mapaigting ang paghahanda ng bawat isa sa posibleng banta ng tsunami.
Kailangang maging alerto at mapagmatyag umano ang mga residente sakaling makaranas ng natural signs nito: Shake o may malakas na paglindol Drop o pag-usog ng katubigan sa karagatan at Roar o ang hindi pangkaraniwang dagundong na nagmumula sa karagatan.

Sa kasalukuyan, sunod-sunod din ang isinasagawang mga pagtitipon upang matalakay at matiyak ang mga paghahandang dapat isaalang-alang sa posibleng banta ng tsunami. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments