
Pinaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan ang mga residente na bawal ang pagbibigay ng donasyon o pera sa lahat ng mga health center.
Ito’y kasunod ng natatanggap na ulat ng Caloocan LGU na may ilang health center ang nanghihingi ng donasyon sa mga residente.
Ayon kay Caloocan City Mayor Along Malapitan, mahigpit niya itong ipinagbabawal maging ang paglalagay ng donation box.
Dahil dito, hindi magdadalawang isip ang alkalde na tanggalin o kasuhan ang mga mapapatunayang lalabag dito.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na isumbong o ireklamo ang mga health center na makikitang gumagawa nito.
Maaari magpadala ng mensahe sa Facebook page ng 8-Reklamo Caloocan, tumawag sa 8-7355266 o kaya ay magtungo sa Complaint Center, 7th Floor, Left Wing, Caloocan City Hall-South.









