Publiko, hinihikayat ng NDRRMC na makilahok sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Hinihimok ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makilahok sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa sa Hunyo 8, 2023.

Kasabay nito, binigyang diin ni Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director, Usec. Ariel Nepomuceno ang kahalagahan ng whole of Nation approach sa pagtugon sa sakuna sa pamamagitan ng pagkakaisa ng pamahalaan, pribadong sektor at publiko.

Ayon kay Nepomuceno, alas-8:00 ng umaga sa Huwebes ng susunod na linggo ang earthquake drill kung saan ang Mandaluyong City ang magiging host ng aktibidad.


Nabatid na alas-9:00 ng umaga isasagawa ang ceremonial pressing of the button na hudyat sa pagsasagawa ng duck, cover, and hold.

Ang publiko ay maaaring makilahok sa pagsubaybay sa live-stream ng Office of Civil Defense at NDRRMC Facebook pages.

Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay bilang paghahanda sa tinaguriang The Big One o malakas na lindol na inaasahan dahil sa paggalawa ng West Valley Fault.

Facebook Comments