Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na magsumbong o ireport sa awtoridad kung may makitang mga campaign posters na nakapako o nakadikit sa mga puno.
Sa naganap na Pantongtongan Tayo ng PIA Pangasinan, inihayag ni DENR Pangasinan Provincial Environment and Natural Resources Officer Raymond Rivera, ang masamang epekto nito sa mga puno, gaya na lamang ng mabagal na pag recover kung nasugatan ang mga puno, maging ang posibleng panganib na dala ng mga peste.
Maaaring magreport ang mga residente kung makakita ng mga kaugnay na insidente sa tanggapan ng mga sumusunod:
DENR Provincial Office, Dagupan City
DENR Central Pangasinan, Dagupan City
DENR Eastern Pangasinan, Urdaneta City
DENR Western Pangasinan, Alaminos City
May karampatang parusa ang sinumang napatunayang lumalabag dito.
Samantala, binigyang-diin ng DENR Pangasinan ang nararapat na pagprotekta sa mga puno at kalikasan, lalong lalo na ngayong panahon ng pangangampanya para sa mga political aspirants ngayong Halalan 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨