Publiko, hinikayat na maging mahinahon kaugnay sa nag-viral na vaccination breach

Umapela si Assistant Majority Leader Juan Fidel Felipe Nograles ng kahinahunan sa publiko kasunod na rin ng nag-viral na video ng vaccination breach.

Kamakailan lamang din ay nag-viral sa social media ang vaccination breach kung saan makikita ang isang healthcare worker na itinurok ang syringe sa pasyente ngunit hindi naman nito nai-press ang plunger na naglalaman ng COVID-19 vaccine.

Dahil agad namang natugunan ng Department of Health (DOH) ang pangyayari, nakikiisa si Nograles sa panawagan ng ahensya para sa pang-unawa ng taumbayan.


Kailangan aniyang mas mag-focus ang bansa ngayon sa efforts para makamit ang herd immunity lalo pa’t isolated at bibihira lamang ang mga ganitong insidente.

Batid ng kongresista na valid ang galit at pagkabahala ng publiko ngunit kailangan ring ikunsidera ang posibilidad na pagod na rin ang mga health workers.

Mas dapat din aniyang bigyang pansin sa insidente ang kapakanan at working conditions ng mga health frontliner.

Mahalaga aniyang maalala na ang mga health care workers ay mga bayani at siyang “first line of defense” laban sa pandemya.

Facebook Comments