Publiko, hinikayat na magpa-booster na sa gitna ng banta ng Omicron BA.2.12

Nagbabala ang isang infectious disease specialist na ang mabagal na booster uptake ay maaaring magdulot ng panibagong surge ng COVID-19 infections sa bansa sa gitna ng banta ng Omicron BA.2.12.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) at Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit Chief sa San Lazaro Hospital, ang Omicron BA.2.12 ay may mataas na tsyansang makahawa pero hindi nagdudulot ng matinding impeksyon.

Gayunman, mahalaga aniyang magpa-booster na upang mapanatili ang proteksyon laban sa virus.


Hinikayat din ni Solante ang mga hindi pa nakakatanggap ng primary does na kumpletuhin na ang kanilang inoculation.

Kasabay nito, inihayag ng Department of Health (DOH) na ang Omicron BA.2.12 ay isang paalala na ang virus ay nandyan pa rin at maaari itong magdulot ng muling pagtaas ng kaso kapag nagpabaya at hindi sumunod sa mga health protocol.

Facebook Comments