Manila, Philippines – Hinikayat ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang publiko na makiisa sa mga aktibidad para sa taunang earth hour.
Sa pamamagitan ito ng sabay-sabay na pagpatay ng ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 mamayang gabi.
Ayon kay Lopez, mahalaga ang pakikibahagi sa ganitong aktibidad lalo’t kabilang ang Pilipinas sa mga bansang madaling maapektuhan ng climate change.
Taong 2004 nang simulan ang nasabing proyekto na naglalayong bawasan ang smoke emission mula sa mga planta ng kuryente.
Noong 2008 ay naging international event ang earth hour makaraang lumahok dito ang 96 na mga bansa kasama ang Pilipinas.
Ang earth hour ay binuo sa konsepto ng World Wide Fund for Nature (WWF).
Facebook Comments