MANILA – Hinikayat na tumulong ni Department of Transportation (DoTr) SECRETARY ARTHUR TUGADE ang mga motorista at pasahero para mapagaan ang daloy ng trapiko.Ayon kay Tugade, huwag sana isisi ang lahat sa trapiko.Aminado ang kalihim, na hindi lahat ng ipinangako niya para mabawasan ang bigat ng trapiko ay magagawa niya sa loob ng 100-araw.Kaugnay nito, pinahahandaan na ng PNP-Highway Patrol Group ang inaasahang pagbigat ng trapiko matapos ang pagpasok ng “ber months”.Sinabi ni HPG Spokesperson Elizabeth Velasquez, pinag-aaralan na nila ang odd even scheme sa metro manila para mabawasan ang pribadong sasakyan na bumibyahe sa Edsa.Una nang nagpatupad ng bagong traffic scheme sa ilang bahagi ng edsa noong nakaraang linggo.
Facebook Comments