
Hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko na isumbong ang pharmaceutical companies at mga botika na hindi sumusunod sa VAT exemptions sa siyam pang mga gamot.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., sakop ng exemption ang siyam na bagong gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, kidney disease at tuberculosis.
May hiwalay rin na circular ang BIR na nag-aatas na i-exempt ang tatlong gamot para sa mental illness.
Ayon pa kay Lumagui, ang exemption ay alinsunod sa Section 12 ng Republic Act No. 11534 o CREATE Act, at ng RA No. 10963 o TRAIN Law, na nagtatakda ng sa VAT exemptions sa ilang piling health products.
Dahil sa naturang exemption, inaasahan ni Lumagui na bababa pa ang presyo ng naturang mga gamot.
Sakaling may makitang hindi sumusunod dito na mga botika, maaari umanong magsumbong ang publiko sa contact_us@bir.gov.ph.
Maaari ding magreklamo sa Food and Drug Administration (FDA) at sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ang mga sumbong ay malinaw na nakalagay ang pangalan ng establishment, ang kumoletong address, at ibang detalye.









