
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga pari at publiko na makiisa sa isang buwang “National Day of Prayer and Public Repentance.”
Sa liham na ipinadala sa mga diocese, hinimok ni CBCP president at Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang mga parokya, kapilya, paaralan, pamilya, at organisasyong simbahan na makibahagi sa pagdarasal kasabay ng Feast of Our Lady of the Holy Rosary.
Ayon kay Bishop David, layunin nito na maging panalangin ng pambansang pangungumpisal at pagsisisi bilang tugon sa mga kalamidad na patuloy na dinaranas ng bansa..
Magsisimula sa Martes ang pagdarasal ng espesyal na panalangin na tinawag na “A National Cry for Mercy and Renewal” kung saan isasagawa ito tuwing Linggo hanggang sa Feast of Christ the King sa Nobyembre 23.
Binigyang-diin ng nasabing panalangin ang pagsisisi para sa kasalanan ng korapsyon, kawalang-katarungan, at political patronage, gayundin ang panawagan ng awa sa gitna ng mga kalamidad na tumatama sa bansa.









