Publiko, hinikayat ng DOH na magpabakuna laban sa Japanese Encephalitis

Nanawagan ang Department of Health sa lahat na protektahan ang kani-kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagpapabakuna laban sa nakakamamatay na sakin na Japanese Encephalitis o JE.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III ang Japanese Encephalitis ay isang mosquito Borne Viral Disease na isa sa nangungunang dahilan ng pamamaga ng utak kung saan bata ang kadalasang nabibiktima nito.

Hinikayat ni Duque ang publiko na magpabakuna laban sa nasabing sakit dahil  ang JE vaccination ay nirekomenda ng World Health Organization na isama sa National Immunization schedules sa lahat ng lugar na may Public Health Priority.


Pagtitiyak pa ng kalihim na maliban sa aprubado ang nasabing bakuna ng Food and Drugs Administration at prequalified ng World Health Organization o WHO, ito rin ay ginamit na sa labing dalawang bansa sa loob ng tatlumpung taon, sa apat na daang milyong bata at mayroon excellent safety record.

Matatandaan naman na mistulang pumalpak ang kampanya ng Department of Health kontra tigdas matapos isnabin ng publiko ang nasabing bakuna dahil na rin sa traumang naidulot ng Dengvaxia Vaccine.

Paliwanag ni Duque nagresulta ang hindi pagtangkilik ng publiko sa Anti Measles Vaccine sa pagsirit ng bilang naapektuhan ng tigdas sa bansa.

Facebook Comments