Publiko hinikayat ng DOJ na makiisa sa laban kontra online sexual abuse sa mga kabataan

Apat na kabataan ang nasagip ng mga awtoridad sa nagpapatuloy na kampanya ng mga awtoridad kontra online sexual abuse and exploitation of children.

Bago niyan, naaresto ng mga awtoridad ang 32 taong gulang na babae sa Misamis Oriental na ginagamit umano ang kaniyang social media account para ialok ang mga bata na gumawa ng mga mahahalay na bagay sa harap ng camera kapalit ng pera.

Bukod sa apat na kabataang biktima, tatlo pang bata na itinuturing na at risk ang nasagip ng mga awtoridad sa tulong ng Women and Children Protection Center-Mindanao Field Unit.


Ayon kay Department of Justice (DOJ) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) In-Charge Undersecretary Nicholas Felix Ty, sama-samang giyera ito upang protektahan ang mga bata mula sa panganib na umabot na hanggang cyberspace.

Hinikayat naman nila ang mamamayan na makiisa sa laban upang mahinto na ang pang-aabusong seksuwal lalo na sa mga kabatan gamit ang internet.

Facebook Comments