Publiko, hinikayat ng Korte Suprema na magbigay suhestiyon para mas maprotektahan ang karapatang pantao

Naglunsad ang Korte Suprema ng serye ng multisectoral focus group discussions sa pangunguna ng Committee on Human Rights and International Humanitarian Law.

Layon ng konsultasyon na mangalap at alamin kung epektibo ang mga protective writs ng habeas corpus, amparo, at habeas data.

Isinasagawa ito sa Baguio City, Cebu, at Davao kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na ibahagi ang kanilang karanasan at ang mga hamon para magkaroon ng areas for improvement sa implementasyon ng writs.


Ayon kay Human Rights Committee Chairperson at Senior Associate Justice Marvic Leonen, umaasa siyang marami ang makikibahagi rito mula sa Hudikatura, academe, law enforcement and prosecution at maging ang taumbayan.

Hinikayat naman ng Human Rights Committee ang publiko na ibahagi ang kanilang suhestiyon kung paano mas mapoprotektahan ng korte ang karapatang pantao.

Magtatapos ang konsultasyon sa Setyembre kung saan isusumite ang findings sa technical working group para sa rekomendasyon na amyendahan ang tatlong protective writs.

Bahagi ito ng hakbang ng Judiciary para manatiling epektibo ang batas.

Facebook Comments