Publiko, hinikayat ng pamahalaan na gamitin ang StaySafe contact tracing app

Hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na gamitin ang contact tracing application na StaySafe.ph para mabilis na matunton ang COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaari lamang nilang i-scan ang QR codes gamit ang kanilang smartphones kapag papasok sa mga establishments gaya ng mall, bangko, restaurants, maging sa mga bus at tren.

Iginiit ni Nograles na kailangang mag-adopt ang mga government agencies at Local Government Units (LGU) hinggil dito.


Simula sa Disyembre ay sisimulan na nilang i-promote sa lahat ng mga pribadong establisyimento.

Sa pamamagitan ng StaySafe Program, maiiwasan ng mga tao na manu-manong mag-fill up ng contact tracing requirements.

Libreng mada-download ang mobile application at hindi kailangan ng prepaid load.

Sa ngayon, aabot na sa higit 40,000 establishments ang gumagamit ng contact tracing system.

Pagtitiyak ni Nograles na ang StaySafe.ph ay naaaayon sa Data Privacy Law.

Facebook Comments