Hinimok ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang publiko na mag-ingat at manatiling alerto.
Ito ay sa gitna ng paghahasik ng karahasan ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Masbate kung saan naakapekto na sa klase ng mga mag-aaral doon.
Sinabi ng DepEd na nakikipag-ugnayan si Vice President Duterte sa Philippine Army para tutukan ang sitwasyon sa Masbate.
Nakatakda rin umanong bumisita si Duterte sa Masbate para tignan ang operasyon doon ng mga militar kapag maayos na ang sitwasyon doon.
Bago nito, kinondena ng DepEd ang tumaas na bilang ng mga aktibidad komunistang rebelde sa Masbate kung saan ay nagdudulot ito ng trauma sa mga guro at mag-aaral.
Facebook Comments