Hinimok ang publiko ni Dr. Nina Carandang, Social Scientist ng University of the Philippines (UP) na gumawa ng personal routine para sa araw-araw na pamumuhay sa ilalim ng “new everyday”.
Ayon kay Dr. Carandang, mainam din na mag-develop ng bagong talent o hobby ang mamamayan habang wala pang nai-imbentong bakuna laban sa COVID-19.
Pinapayuhan din ang publiko na iwasan ang pakikipaghalubilo at iwasan ang unhealthy habits.
Aniya, mahalaga rin na mag-upgrade ng mga pasilidad sa tanggapan o establishments para mapanatili ang social distancing at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Samantala, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagsasagawa sila ng inventory sa COVID laboratories para sa pagrelease ng panibagong mga supply.
Ayon sa DOH, sa ngayon mayroon nang 63 licensed laboratories sa buong bansa at mayroon pang 163 pending laboratory applications.