Publiko, Hinimok na Magsumbong kung Kasali sa ‘Waitlisted’ ang mga Nakakuha sa First Tranche

*Cauayan City, Isabela- *Hinihikayat ang publiko na maging mapagmatyag at magbigay-alam sa ahensiya ng mga obserbasyon at pangyayari na taliwas sa mga alituntunin na napapaloob sa Emergency Subsidy Program/Social Amelioration Program (ESP/SAP) ng DSWD Region 02 ngayon buwan ng Hulyo.

Sakaling matuklasan na ang nakalista sa Waitlisted/Left-Out ay nakatanggap na sa first trance, maaaring isumbong sa pamamagitan ng mga hotline numbers na: 0928-8473130 para sa Batanes, 0927-9948931 sa Cagayan, 0915-5642557 para sa Isabela, 0975-5100152 para sa Quirino at 0936-0342935 para naman sa Nueva Vizcaya.

Sa ibinihaging impormasyon ng DSWD Reion 02, ang pamimigay ng halagang 5,500.00 na Emergency Subsidy ay isasagawa sa dalawang pamamaraan.


Ito ay pamamagitan ng pagsailalim sa digital payment scheme ng Financial Service Providers (FSP) tulad ng Starpay ng mga Waitlisted/Left-Out na nakapaglakip ng kanilang cellphone number.

Sa paraang ito, mas mabilis na matatanggap ang ayuda sa pamamagitan ng iba’t-ibang bayad centers na matatagpuan sa pinakamalapit na lugar.

Sa kabilang banda, ang mga walang cellphone number naman ay makakatanggap sa pamamagitan ng Special Disbursement Officers (SDO) ng DSWD katulad ng mga nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

Facebook Comments