Bumaba sa 195.75 meters ang water level ng angat dam habang nalalapit ang panahon ng tag-init.
Kaya sa interview ng RMN Manila ay hinimok ni National Water Resources Board Sevillo David Jr. na magtipid ang publiko sa paggamit ng tubig.
Ayon kay David, bagama’t naiintindihan nito na panahon ngayon ng COVID-19 pandemic ay malaking tulong ang hindi pag-aksaya ng tubig upang masiguro ang sapat na suplay nito sa Metro Manila at karatig lugar.
Sa kabila nito, nakahanda naman ang mga deep well at water treatment facilities upang magbigay ng karagdagang suplay ng tubig habang nagsasagawa rin ng cloud seeding operations sa Angat kapag may pagkakataon.
Facebook Comments