Publiko, hinimok na makiisa sa Trillion Peso March sa November 30

Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na muling makilahok sa ikalawang Trillion Peso March na ikakasa ngayong buwan.

Sa isang video message, sinabi ng kardinal na kailangang tumindig ang taumbayan laban sa korapsyon pero sa mapayapang paraan.

Inihalimbawa ni David ang pamahalaan sa isang makina na may mga piyesa nang kinain ng korapsyon at sa tumor na sumisira sa katawan ng tao.

Dahil dito, muling nanawagan si David na makiisa sa isa pang malawakang kilos protesta sa November 30.

Noong September 21, libu-libong mga Katoliko at miyembro ng civil society groups ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument at EDSA Shrine para ipanawagan ang pagpapanagot sa mga sangkot sa malawakang korapsyon.

Facebook Comments