Publiko, hinimok ng Comelec na pagparehistro kahit holiday season

Hinimok ng Commission on Elections ang publiko na magparehistro kahit holiday season.

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, bukas ang kanilang mga registration center kahit ngayong holiday season maliban sa December 24, 25 at 31, 2022 at sa January 1, 2023.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, dapat ay nasa 70 million na ang voting population sa bansa pagsapit ng May 2023.


Noong Hulyo, nasa 66 million na ang mga rehistradong botante sa bansa habang nasa 150,000 lamang ang mga bagong nagparehistro mula nang buksan itong muli noong December 12.

“Kaya nga po kami ay nananawagan sa ating mga kababayan, sa ating mga kabataan, kung kayo ay 15 (years old) or magfi-fifteen on or before October 30, 2023, pwede na kayong magparehistro para sa ating SK Elections. Kung kayo naman po ang 18 years old on or before October 30, 2023, pwede na rin pong magparehistro para sa regular elections o doon sa barangay elections. Tatagal lamang po ito hanggang sa January 31, 2023,” ani Laudiangco.

Facebook Comments