Hinihikayat na ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na magtanim ng gulay at prutas sa kanilang bakuran para sa sariling konsumo sa ilalim ng National Urban Agriculture Program.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, matagal ng proyekto ng DA ang urban agriculture ngunit ngayon lang higit na kailangan at dapat magsama-sama at makiisa sa pagpapatupad nito.
Ipinagutos na ng kalihim sa mga regional executive directors ang pamimigay ng binhi at mga pananim para sa proyekto at lahat ay dapat tumalima na.
Sa katunayan, tumaas ang bilang ng requests para sa mga buto at seedlings mula sa Bureau Plant Industry.
Pinasimulan na noong nakaraang linggo ng DA ang pamamamahagi ng 2,500 packets ng buto at 100 seedlings sa City Government ng Muntinlupa para makapag simula ng communal urban garden.
Target ding gawin ito ng DA sa iba’t ibang barangay sa Quezon City at magbibigay ng gardening inputs at technical assistance.