Publiko, hinimok ng DOH na mag-donate ng dugo

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-donate ng dugo sa gitna ng kakulangan ng suplay sa blood centers.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming benepisyo ang pagdo-donate ng dugo gaya ng pagbaba ng risk of heart attack, pagtulong sa pagpapanatiling malusog ang atay at nakakatulong din para ma-improve ang cardiovascular health.

Aniya, pasok para makapag-donate ng dugo ang mga nasa edad 16 hanggang 65 na hindi hihigit sa 50 ang timbang.


Habang anga blood donor naman ay hindi dapat sila sumailalim sa mga surgery, bagong tattoo, body piercings, o naturukan ng anti-rabies/anti-tetanus vaccine sa nagdaang taon.

Maaari namang ma-access ng publiko ang listhaan ng blood donation centers sa website na https://tinyurl.com/DONATEBLOODPH.

Facebook Comments