
Hinihimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na isumbong sa kanila ang mga negosyanteng mananamantala ngayong masama ang lagay ng panahon.
Partikular sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity gaya ng Maynila, Malabon, at Quezon City sa Metro Manila.
Gayundin sa Barbarza at Sebaste sa Antique; Calumpit, Bulacan, Lalawigan ng Cavite; Cebu City; Roxas, Palawam; Umingam, Pangasinan at Cainta, Rizal.
Maaring mag-report ang publiko hinggil sa mga mapagsamantalang negosyante sa social media ng DTI Philippines o kaya sa 0917-834-3330.
Paalala pa ng DTI sa publiko at mga negosyante na magtatagal ang pagpapatupad ng price freeze ng 60 araw maliban na lamang kung magdedesisyon si Pangulong Bongbong Marcos na ipatigil o ihinto ito.









